Pinaghihinalaang di-sinasadyang binomba ng tropang panghimpapawid ng Amerika ang ospital ng Doctors Without Borders o Médecins Sans Frontières (MSF), pandaigdig na organisasyong medikal, sa Kondoz, siyudad sa dakong hilaga ng Afghanistan. Di-kukulangin sa 19 katao ang naiulat na namatay at mahigit 30 ang nasugatan.
Ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang kanyang matinding kondemnasyon sa nasabing insidente. Nanawagan siya sa ganap na imbestigasyon. Ipinagdiiinan din niyang ang binombang ospital ay ang siyang tanging ospital sa Kondoz at batay sa pandaigdig na batas na humanitaryan, kailangang buong-higpit na protektahan ang kaligtasan ng mga tauhang medikal.
Ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang kalungkutan sa nasabing pangyayari. Sinabi rin niyang sinimulan na ng Kagawaran ng Depensa ng Amerika ang imbestigasyon hinggil dito.
Salin: Jade