Ipinahayag kagabi ng Afghan Taliban ang pagyao ni Mullah Mohammad Omar, Kataas-Taasang Lider ng naturang armadong organisasyon. Anang pahayag, namatay si Mullah Mohammad Omar dahil sa sakit.
Nang araw ring iyon, nagpalabas din ng pahayag ang Ministring Panlabas ng Pakistan na nagsasabing sanhi ng impormasyong may kinalaman sa pagyao ni Omar, epektong dulot nito, at sa ilalim ng kahilingan ng mga opisyal ng Afghan Taliban, ipinagpaliban ang ika-2 round ng diyalogo hinggil sa kapayapaan ng Afghanistan, na nakatakdang idaos ngayong araw sa Pakistan.
Noong ika-7 ng buwang ito, idinaos sa Islamabad ng pamahalaan ng Afghanistan at Taliban ang unang bukas na diyalogo. Ipinahayag ng kapuwa panig na lilikhain ang kapaligiran para sa proseso ng kapayapaan at rekonsilyasyon.
Salin: Vera