Idinaos kahapon sa Istanbul ng Turkey ang Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng G20. Ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na dapat gumanap ang G20 ng mas malaking papel para pasulungin ang paglaki ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan.
Si Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Sa pulong na ito, tinakalay ng mga kalahok na bansa ang mga isyu na gaya ng pagharap sa pagbabagal ng pag-unlad ng pandaigdigang kalakalan, pagpapasulong ng pag-unlad ng mga katam-taman at maliit na bahay-kalakal, at pagpapabuti ng sistema ng multilateral na kalakalan.
Ipinalalagay ng G20 na dapat gamitin ang mga mabisang hakbangin para pasulungin ang kalakalan at pamumuhunan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Gao na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang isyu ng kalakalan at pamumuhunan. Nakahada aniya ang Tsina, kasama ng ibang mga bansa ng G20, na isaalang-alang ang aktuwal na kahilingan ng iba't ibang bansa at itatag ang isang mas bukas na pandaigdigang sistema sa kabuhayan at kalakalan para isakatuparan ang balanse at sustenableng pag-unlad.