Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sampung bilanggo, nasawi sa sunog sa Leyte

(GMT+08:00) 2015-10-09 17:52:22       CRI

SAMPUNG bilanggo sa Maximum Security Compound sa Abuyog Penal Colony ang nasawi. Ayon kay Msgr. Bobby Olaguer, tagapagsalita ng penal farm, ang lahat ng nawawala ay natagpuan na.

Isa ang Abuyog sa pitong saklaw ng Bureau of Corrections na penal farms bukod sa New Bilibid Prison at Correctional Institute for Women sa Metro Manila, ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City sa Palawan, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, San Ramon prison and Penal Farm sa Zamboanga City at Davao Prison at Penal Farm sa Davao City.

Nagtungo na si Assistant Director Martin perfecto sa Leyte upang alamin ang kalagayan ng mga bilanggo. Mayroong 1,256 na bilanggo doon.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nakatanggap siya ng regular update mula kay BuCor Director Rainier Cruz. Lima sa mga nasawi ang nasa psychiatric ward, walong bilanggo ang mahihina't matatanda at halos bulag na at ang dalawa ay bumalik pa sa nasusunog na gusali upang iligtas ang iba pang kasama

Nagsimula ang sunog kahapon ng alas-tres cuarenta y cinco sa loob ng Maximum Security Area na kinalalagyan ng higit sa 1,500 bilanggo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>