|
||||||||
|
||
SA gulong nagaganap sa Syria, bumaba ang kinatatayuan ng PIlipinas mula sa unang tatlo at natamo ang pang-apat na puesto sa Committee to Protect Journalists' 2015 Global Impunity Index.
Sabihin na ang sasabihin subalit na sa nangungunang lima pa rin ang Pilipinas na hindi kabilang sa pinakamagugulong bansa.
Ayon sa ulat na pinamagatang "Getting Away with Murder", nakabase ang ulat sa bilang ng mga mamamahayag na napapatay at hindi nabibigyan ng katarungan. Ang mga bansang ito ang katatagpuan ng mga mamamatay taong 'di madakip-dakip at 'di naparurusahan.
Mula ng itatag ang ulat noong 2008, ito ang unang pagkakataong hindi nanguna ang Iraq sa talaan ng mga bansang mapanganib sa mga mamamahayag. Sa Somalia nagkaroon ng isa o higit pang mamamahayag ang napapaslang sa bawat taon sa nakalipas na sampung taon nang walang nagagawa ang pamahalaan na siyasatin ang mga pagpaslang.
May 14 na bansang may limang mamamahayag na napaslang subalit wala pang mamamatay taong nahahatulan. Nangunguna ang Somalia, pangalawa ang Iraw, pangatlo ang Syria at pang-apat ang Pilipinas. Panglima naman ang Sudan, pang-anim ang Sri Lanka, ika-pito ang Afghanistan, at nasa ika-walong puesto ang Mexico samantalang pang-siyam ang Pakistan at pangsampu naman ang Russia. Na sa ika-11 puesto ang Brazil, ika-12 ang Bangladesh, pang-13 ang Nigeria at pang-14 ang India.
Sinabi ng CPJ na mayroong 44 na media killings na naitala sa Pilipinas mula noong Setyembre 2005 nang walang naparurusahan. Pitong insidente ng pagpatay ang naganap sa ilalim ng liderato ni Pangulong Aquino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |