Matagumpay na tinapos kahapon ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premiyer Tsino, ang kanyang 3 araw na pagbisita sa Singapore. Sa kanyang pananatili doon, magkakasunod siyang nakipag-usap kina Pangulong Tony Tan Keng Yan, Punong Ministrong Lee Hsien Loong at iba pang lider ng Singapore. Bukod ditto, magkasamang nangulo sina Zhang at Teo Chee Hean, Pangalawang PM ng Singapore sa ika-12 pulong ng Joint Council For Bilateral Cooperation ng Tsina at Singapore (JCBC), ika-17 pulong na may kinalaman sa Suzhou Industrial Park at ika-8 pulong na may kinalaman sa Tianjin Eco-City.
Sa nasabing tatlong pulong sa mataas na antas, tinalakay ng magkabilang panig, pangunahin na, ang ika-3 proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan, pag-uupgrade ng Kasunduan ng Malayang Kalakalang Sino-Singaporeano, pagbabago ng kabuhayan, kooperasyong ekonomiko, pagpapalagayang pansibil at sustenableng pag-unlad. Nagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na ang kanilang ika-3 proyekto sa dakong kanluran ng Tsina ay isang estratehikong proyektong pangkooperasyon, at magtatampok sa modernong komunikasyon at modernong kabuhayan ng serbisyo.