Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinanggap na ng panig Tsino ang invitation letter na ipinadala ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas hinggil sa di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Nananalig aniya ang panig Tsino na aktibong isasaalang-alang ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang imbitasyong ito.
Sinabi ni Lu na pinahahalagahan at palagiang kinakatigan ng Tsina ang kooperasyon ng APEC.
Salin: Li Feng