IBINALITA ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na nagaganap pa rin ang pagbaha sa Pampanga at sa Agno River areas hanggang ngayong Miyerkoles.
Halos isang milyong mamamayan ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan at may 87,300 katao angpansalamantalang naninirahan sa may 310 evacuation centers.
Sa dami ng mga nagsilikas, wala pang nababalitang mahigpit na pangangailangan ng mga mamamayan na hindi nadadaluhan ng pamahalaan. Ang international humanitarian assistance ay nagmumula lamang sa loob ng Pilipinas.
Nakatuon mula sa relief at patungo sa recovery hanggang sa makarating sa rehabilitation.