Kaugnay ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam at Singapore, sinabi ngayong araw ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na mahalaga ang mga pagdalaw na ito hindi lamang sa bilateral na relasyon ng naturang mga bansa, kundi rin sa relasyong Sino-ASEAN.
Ayon kay Liu, ang kooperasyong pandagat, estratehiyang pangkaunlaran, imprastruktura, kalakalan, pamumuhunan, pagpapalitang pangkultura, at kooperasyong lokal ay magiging mga paksa sa naturang mga pagdalaw.
Dagdag pa niya, tatalakayin ng mga lider ng tatlong bansa ang hinggil sa mga konkretong hakbangin hinggil sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Liu Kai