Kaugnay ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam, ipinahayag ngayong araw ng ilang ekspertong Tsino na magpapasulong ang pagdalaw na ito sa pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, at magpapataas sa lebel ng kanilang kooperasyon.
Ang mga estratehiyang pangkaunlaran na binanggit ng mga eksperto ay tumutukoy sa "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" Initiative na iniharap ng Tsina, at "Vietnam-China-Cambodia Economic Corridor," "Vietnam-Laos-Thailand-Myanmar Economic Corridor" at "Beibu-Bay Circling Economic Zone" na iniharap ng Biyetnam.
Sinabi ng mga eksperto na ang pag-uugnayan ng naturang mga estratehiyang pangkaunlaran ay magdudulot ng win-win result hindi lamang sa kapwa Tsina at Biyetnam, kundi rin sa mga iba pang sakop na bansa. Ipinalalagay ng mga eksperto na batay sa mga estratehiyang ito, puwedeng isagawa ng Tsina at Biyetnam ang kooperasyon sa kalakalan, imprastruktura, pinansyo, at iba pang aspekto, at ang kanilang kooperasyon naman ay puwedeng maging bilateral at multilateral.
Salin: Liu Kai