|
||||||||
|
||
SINISIMULAN nang ipatupad ng mga pulis ang kanilang balak upang manatiling maayos at payapa ang darating na APEC Economic Leaders Meeting sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
Nagkaroon na ng mga tinatawag na tabletop exercises kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan. Nagkaroon na rin ng pagsusuri sa kakayahan ng 19 na kasamang ahensya at mabatid na rin ang kanilang mga posibleng pagkukulang.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP National Capital Region sa ilalim ni Police Director Joel C. Pagdilao nagkaroon na rin ng kautusan sa mga district director at chief of police ng buong Metro Manila na ipagpatuloy ang anti-criminality operations sa kanilang mga nasasakupan at maiwasan ang pagkilos ng alin mang threat groups at mga criminal na kumilos sa okasyon
Niliwanag ni Director Pagdilao na hindi nila papayagang magkaroon ng anumang kaguluhan sa Metro Manila lalo't higit sa kalagayan ng mga delegado sa paligid ng conference venue, mga lansangang daraanan at iba pang mga pook na dadalawin ng mga delegado.
May koordinasyon na rin sa titirhan ng mga delegado sa pamamagitan ng hotel security officers at Presidential Security Group. Ang mga maglalakbay, motorist at ang mga mamamayan ay nararapat gumamit ng alternatibong daan at sumunod sa re-routing schemes sa Metro Manila.
Wala siyang binanggit tungkol sa mga nakatakdang magprotesta sa darating na APEC Leaders Summit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |