|
||||||||
|
||
NAKATAPOS na ng 157 mga pagpupulong at walong ministerial meetings ang mga kasaping ekonomiya sa Asia Pacific Economic Cooperation. Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario na magkakaroon ng mga kinatawan ang iba't ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Tsina, Japan at Canada na may bagong prime minister.
Sa isang briefing para sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Asociation of the Philippines (FOCAP), sinabi ni Undersecretary del Rosario na malayo na ang narating na APEC mula ng itatag ito noong 1993. Sa simula ay ministerial meeting pa lamang subalit iminungkahi ni US President Bill Clinton na higit na pagtuunan ng pansin ang pagtutulungan ng mga kasapi sa samahan.
Idinagdag pa niya na sa unang pagtatagpo ng mga pinuno ng iba't ibang bansa sa Blake Island sa Washington, nagkaisang ipinasa ang layunin ng APEC at ito ay ang pagkakaroon ng katatagan, seguridad at kaunlaran ng mga mamamayan ng mga kasaping ekonomiya.
Taong 1994 ng magsama-sama ang mga pinuno ng APEC economies sa Indonesia at nabigyang pansin ang free at open trade at investments sa APEC economies.
Naging punong abala ang Pilipinas noong 1996. Nakatuon sa dalawang mahahalagang bagay ang APEC at ito ang development agenda sa mga kasaping bansa at ang trade and investment agenda ng APEC member economies.
Samantala, sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Adrian Cristobal, Jr. na matatagpuan sa APEC economies ang isa sa pinaka-masiglang rehiyon sa daigdig sa larangan ng kalakal.
Ipinaliwanag niyang sa Pilipinas, kung susuriin ang exports noong 2014, nagkahalaga ito ng US$ 62 bilyon at ang 85% ng mga export ay ipinadala sa mga bansang kabilang sa Asia Pacific Economic Cooperation. Maraming hanapbuhay sa Pilipinas ang nakasalalay sa mga produktong ipinagbibili sa mga kasaping bansa ng APEC, karamihan sa mga ito ay small at medium industries. Samantalang 95% ng ekonomiya ng bansa ang suportado ng mga small and medium entreprises, mga bahay kalakal na mayroong 10 mga kawani, 10 mga makinang panahi, mga nag-aalaga ng kape sa mga sakahan.
Idinagdag pa ni G. Cristobal na kahilangang maluwagan ang pagkakalakal sa Pilipinas upang higit na makinabang ang mga banyagang mangangalakal.
Para kay Gng. Doris Magsaysay-Ho, isang makasaysayang pagtitipon ang gagawin mula ika-13 hanggang ika-16 ng Nobyembre na katatampukan ng mga mangangalakal mula sa APEC member countries. Si Gng. Magsaysay-Ho ang chairperson ng APEC Business Advisory Council. Nakatuon ang kanyang pansin sa service sector, sa kahalagahan ng investments sa mga pagawaing bayan upang masuportahan ang lumalagong middle class. Kailangan din umanong maging pangmatagalan ang investments at magkaroon ng pagkakataong makalabas ng bansa.
Sa panig ni G. Bill Luz, magkakaroon ng 22 hanggang 23% ng mga dadalo sa kanilang pagtitipon ang magmumula sa Tsina. Idinagdag naman ni Undersecretary del Rosario na isang opisyal na Tsino ang nagsabing ang kanilang pinuno ay darating at mamumuno sa isang malaking delegasyon.
Bagaman, tumanggi si Undersecretary del Rosario na sabihing darating si Pangulong Xi Jinping sapagkat nakiusap ang panig ng mga Tsino na hayaan na silang magbalita matapos ang mga pagdalaw sa Singapore at Vietnam.
Sa APEC Chief Executive Officers Summit, magkakaroon ng 16 na pinuno ng bansa, kabilang na si US President Barack Obama at Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Mayroon ding limang insight speakers at 20 chief executives at thought leaders at higit sa 1,000 mga delegado.
Sa ganap na ikatlo't kalahati ng hapon nakatakdang magsalita si Tony Tan Caktiong, ang Chairman ng APEC CEO Summit 2015 at makikipagtalastasan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga delegado sa pagksang "APEC's Inclusive Growth Imperative."
Nakatakdang magsalita rin si Pangulong Michelle Bachelet ng Chilke kasama ang tatlong pinuno ng industriya. Panauhing tagapagsalit rin si Pangulong Juan Manuel Santos ng Colombia.
Magkakaroon din ng papel sina Prime Minister Prayut Chan-o-Cha ng Thailand hinggil sa paksang "The Future of Asia Pacific Growth." Nakatuon naman sa paksang Health and Education for the Future si Pangulong Ollanta Humala ng Peru at maging si Pangulong Truong Tan Sang ng Vietnam sa paksang Strategies for Growth, Equity and Resilience."
Sa Miyerkoles, ika-18 ng Nobyembre, nakatakdang humarap sa mga chief executive officer sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Russian President Vladimir Putin.
Kung hindi magbabago ang schedule, haharap si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ganap na ika-11 ng umaga at susundan naman ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.
Matatapos ang pagtitipon sa pagsasalita ng mga mangangasiwa sa APEC 2016 na idaraos sa Peru.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |