Sa pag-usap kahapon sa Hanoi, nina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), sinang-ayunan nila ang pagpapasulong ng sustenable, malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Kaugnay ng umiiral na hidwaang pandagat ng Tsina at Biyetnam, ipinahayag nila na handa silang maayos na hawakan at kontrolin ang mga hidwaan para isakatuparan ang magkasamang paggagalugad sa rehiyong pandagat na pinagtatalunan.
Ipinahayag ni Xi na dapat pasulungin ng dalawang bansa ang mga kooperasyong pandagat at bilateral na pagsasanggunian sa isyung ito.
Ipinahayag naman ni Nguyen na nakahanda ang kanyang bansa na palawakin, kasama ng Tsina ang mga kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Nauna rito, naisaayos na ng Tsina at Biyetnam ang mga pamatnubay na dokumento sa paglutas sa isyu ng South China Sea. Pagkatapos ng kanilang pag-usap, nilagdaan ng dalawang bansa ang isang kasunduan hinggil sa malayang paglalayag sa rehiyon ng Beilun River, na nasa hanggahan ng dalawang bansa.