Idaraos sa katapusan ng kasalukuyang buwan ang Ika-21 Pulong ng United Nations (UN) hinggil sa Pagbabago ng Klima. Binuksan sa Paris kahapon ang 3 araw na Di-pormal na Preliminaryong Pulong Ministeryal na naglalayong gumawa ng paghahanda para sa pagkakaroon ng pulong ng isang bagong kasunduang pandaigdig. Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa 70 bansa na kinabibilangan ng mahigit 60 ministro.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Laurent Fabius, Presidente ng Pulong sa Paris at Ministrong Panlabas ng Pransya, na ang tatalakaying isyu sa nasabing preliminaryong pulong ay may kinalaman sa modelo ng pag-unlad ng iba't-ibang bansa sa daigdig sa loob ng darating na ilampung taon. Dapat aniyang magsikap ang iba't-ibang panig para matamo ng pulong ang tagumpay.
Salin: Li Feng