Kauna-unahang China-US Climate Leaders Summit
Mula kamakalawa hanggang kahapon, idinaos sa Los Angeles ang kauna-unahang China-US Climate Leaders Summit. Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon (local time) kay Eric Garcetti, Alkalde ng Los Angeles, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kasanggni ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa nasabing summit, nagkaroon ang mga kalahok ng dalawang panig ng mainit na pagpapalitan, at natamo ang mahalagang bunga. Aniya, bilang host city ng panig Amerikano, gumawa ang Los Angeles ng napakalaking pagsisikap, at napapatingkad nito ang positibong papel para sa kooperasyong Sino-Amerikano sa larangan ng pagbabago ng klima. Ang pagharap sa pagbabago ng klima ay mahalagang bahagi ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Garcetti ang mainit na pagtanggap sa gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika. Aniya, ang pagpapalakas ng Amerika at Tsina ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima at pagpapasulong ng pagpapalitang di-pampamahalaan, ay nakakatulong sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng