Sinabi kahapon ni Zhu Guangyao, Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na bilang bansang tagapagtaguyod ng G20 Summit sa taong 2016, binuo ng Tsina, kasama ng Turkey at Australia ang bagong mekanismo ng "management troika" ng G20, para mapasulong ang reporma sa mekanismo ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, at patingkarin ang mas malaki at positibong epekto ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag ni Zhu na sa mekanismo ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, dapat patingkarin ng mga bagong bansa ng pamilihan at umuunlad na bansa ang mas malaking papel. Bilang tagapangulong bansa ng G20 sa 2016, buong pananabik na inaasahan ng buong daigdig ang paggawa ng Tsina ng mas malaking ambag sa proseso ng G20.
Salin: Vera