|
||||||||
|
||
NAG-USAP na sina Russian President Vladimir Putin at Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III hinggil sa pagliban ng una sa pagpupulong ng mga pinuno ng APEC economies sa darating na linggo.
Sa isang press briefing sa International Media Center, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose na hindi niya batid kung ano ang napag-usapan ng dalawang pangulo, subalit maliwanag na ang pagdalo ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa pagtitipon.
Samantala, sinabi rin ni Jose na naghihintay pa sila ng pormal na pahayag sa hindi pagdalo ni Indonesian President Joko Widodo sa APEC. Magugunitang lumabas sa balitang nagdesisyong hindi dadalo sa APEC Leaders' Meeting ang pangulo ng pinakamalaking bansa sa Timog-silangang Asya dahil kailangan muna niyang asikasuhin na daluhan muna ang domestic issues sa kanyang bansa matapos dumalo sa Group of 20 sa Istanbul at bago dumalo sa napipintong ASEAN meeting sa mga susunod na araw.
Tagapag-ulat: Melo
Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |