Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anu-ano ang isinuot ng mga lider sa APEC Summit (1999-2006)

(GMT+08:00) 2015-11-17 18:28:41       CRI

Ang isa sa mga pinakamalaking tampok ng Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay, sa halip ng formal attire, ang pagsusuot ng lahat ng mga lider ng national costume ng miyembrong tagapagtaguyod, at saka pagkuha ng APEC leaders group photo. Noong isang linggo, ibinahagi namin sa inyo ang mga national costume na isinuot ng mga kalahok na lider sa APEC Summit mula 1993 hanggang 1998, at ngayong araw, ang mga isinuot ng mga lider mula 1999 hanggang 2006 ang isa-isahin natin.

Auckland, New Zealand, 1999

Ang kasuotan na inihandog sa mga lider sa panahong ito ay kinabibilangan ng isang lined padded yachting jacket, isang long-sleeved polo shirt, at isang itim na pantalon. Ang lahat ng naturang mga kasuotan ay yari ng de-kalidad na lana.

Bandar Seri Begawan, Brunei, 2000

Ang isinuot ng mga lider sa Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng APEC sa Bandar Seri Begawan ay Melayu Islam Beraja (MIB), isang uri ng kamisadentrong may katangian ng Brunei. Iisa ang kulay ng ganitong kamisadentro, puti o asul, halimbawa. Habang lumalahok sa mga mahalagang okasyon, nagsusuot ang mga mamamayan ng Brunei ng nasabing uri ng kamisadentro.

Shanghai, Tsina, 2001

Ang isa sa mga keyword ng 2001 APEC Informal Economic Leaders' Meeting ay Tang Suit. May 6 na kulay ang naturang ternong binuo ng amerikana at kamisadentro: pula, luntian, asul, kayumanggi, pulang magulang, at maitim.

Los Cabos, Mexico, 2002

Sa Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng APEC sa Los Cabos, nagsuot ang mga lider ng isang uri ng puting kamisadentrong tinatawag na Guayabera sa lokalidad. Murang kulay ang karamihan ng mga Guayabera, at ito ang paboritong kasuotan ng mga American Indian sa baybaying dagat sa Timog Silangan ng Mexico. Nagsusuot sila ng Guayabera, kapuwa sa mga pormal at di-pormal na okasyon.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>