Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Tsino, pinakamalaking delegasyon sa APEC CEO Summit

(GMT+08:00) 2015-11-17 17:47:18       CRI

MULA sa higit 1,300 mga lalahok sa APEC Chief Executives Summit na nagsimula kanina sa Makati Shangri-La, 25% ang kumakatawan sa mga kumpanyang mula sa Tsina. Ito ang sinabi ni Gng. Doris Magsaysay-Ho, ang chairperson ng APEC Business Advisory Council sa isang panayam.

PINAKAMARAMING MANGANGALAKAL MULA SA TSINA.  Ibinalita ni Gng. Doris Magsaysay-Ho, chairperson ng APEC Business Advisory Council (ABAC), na mula sa 1,300 mga kalahok sa APEC CEO Summit, 25% sa kanila ang nagmula sa Tsina.  Nakalulugod ang pangyayaring ito sapagkat napupuna na ng daigdig ang Pilipinas, dagdag pa ni Gng. Magsaysay-Ho sa nangyayari sa ekonomiya at pamahalaan.  (Melo M. Acuna)

Sinabi ni Gng. Magsaysay-Ho na isang magandang pangitain ang paglahok na ito ng mga mangangalakal na Tsino. Idinagdag pa niya na 15% lamang ang mga chief executive officers ng mga kumpanyang Pilipino.

Lumalabas na napapagtuunan na ng pansin ng daigdig ang Pilipinas lalo pa't sa Pilipinas gagawin ang APEC leaders' week ngayong linggong ito. Magkakaroon ng pagkakataong makita ng mga mangangalakal ang nagaganap at tunay na larawan ng bansa na handa na sa pakikipagkalakal sa iba't ibang bansa.

Ayon sa mga nakausap niyang pinuno ng iba't ibang bahay-kalakal na may mga kinatawan sa pagpupulong sa Maynila na nakikita na nila ang mga magagandang nagaganap sa larangan ng negosyo.

Ipinaliwanag pa ni Gng. Magsaysay-Ho na ang maganda sa APEC ay nabubuo ang pagtitiwala ng iba't ibang bansa sa bawat isa at hindi lamang sa kalakal nakatuon ang pansin ng samahan kungdi sa pagdadala ng kaunlaran sa buong rehiyon. Ito umano ang dahilan kaya't hindi napapansin ang mga usaping politikal.

Ang malaking hamon, ayon kay Gng. Magsaysay-Ho ay hindi ang nagangap ngayon kungdi ang nararapat gawin sa mga susunod na panahon pagkatapos ng APEC 2015 leaders summit sa Maynila upang makamtan ang foreign direct investments at magkaroon ng mas maraming hanapbuhay.

Pagkatapos ng APEC 2015, nararapat lamang na sundan ang mga natamong tagumpay at mabatid kung ano pang mga pagawaing bayan ang kailangan upang madagdagan ang mga mangangalakal sa bansa. Magaling ang mga manggagawang Filipino sa larangan ng services at manufacturing.

Sa panig naman ni Guillermo Luz, ang co-chairman ng National Competitiveness Council, lahat ng APEC economies ay mayroong kinatawan sa nagsimulang APEC CEO Summit. Sa isang mensaheng ipinadala ni G. Luz, sinabi niyang mayroon ding mga European businessmen.

Karamihan sa mga banyagang dumadalo sa pagpupulong ay "first-time visitors", dagdag pa ni G. Luz.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>