|
||||||||
|
||
DARATING si Russian Vice President Dmitry Medvedev bilang kinatawan ni Russian President Vladimir Putin. Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario sa isang ambush interview sa Marriott Hotel.
Ani Undersecretary del Rosario, naging pangulo ng Russia si Medveded noong 2008 at 2012 kaya't nagpapakita lamang ito ng kahalagahan ng APEC sa pamahalaan at mga mamamayan ng Russia.
Kahit pa hindi dadalo si Indonesian President Joko Widodo, ipadadala niya si Vice President Jusuf Kalla na isa sa mga pinakamagaling na opisyal ng pamahalaan.
Sa pangyayari sa Pransya, sinabi ni Usec del Rosario na walang alinmang bansa ang nagsabing hindi na dadalo sa pagtitipon.
Maraming pandaigdigang pagtitipon ang nagaganap ngayon tulad ng G-20 na nagaganap sa Turkey, ang APEC Leaders' Summit sa Maynila at ang napipintong ASEAN Summit Meeting sa Malaysia.
Si US President Barack Obama ay dadalo sa tatlong pagtitipong ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |