DAHAN-DAHANG makakabawi ang mga ekonomiya ng mga bansang kabilang sa APEC sa susunod na taon.
Sa isang briefing, sinabi ni G. Dennis Hew, Director of Policy Support ng APEC, na lumiit ang kalakal ngayong 2015 at ito'y nagpapakita lamang ng mabagal na economic recovery.
Ang pagbawi ng mga ekonomiya ng mga bansang kabilang sa APEC ay mapapasalalay sa external demand at imports sa mga bansang umuunlad na kabilang sa pang-rehiyong samahan. Kung ano man ang gagawin ng Estados Unidos at Tsina ay tiyak na makakaapekto sa magaganap na recovery.
Babantayan ng daigdig kung saan makararating ang ekonomiya ng Tsina at kung babawasan ba ng Estados Unidos ang interest rates ngayon o sa susunod na taon. Nananatiling masigla ang ekonomiya dahilan sa domestic consumption.
Samantala, sinabi naman ni Alan Bollard, APEC Secretariat executive director na ang mga bansang nasa paligid ng Pacific Ocean ay nababahala sa pagsasama ng manufacturing at services sectors.