Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Defense Secretary Gazmin, dumalaw sa International Media Center

(GMT+08:00) 2015-11-17 18:57:40       CRI

PINANGUNAHAN ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang mga security officials sa pagdalaw sa International Media Center upang alamin ang mga paghahanda para sa APEC Economic Leaders Summit ngayong linggo.

Sinamahan siya ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., Executive Secretary Paquito Ochoa at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Hernando Iriberri.

Nakapanayam ng mga mamamahayag si Secretary Gazmin na nagpasalamat na maayos na ang lahat. Sa tanong kung matutugunan ba ang banta ng terorismo tulad ng naganap na pananalakay sa Paris noong Sabado, sinabi ni Secretary Gazmin na handa ang pamahalaan sa lahat ng posibleng maganap kaya't ginagawa ang last-minute check upang matiyak na maayos ang lahat.

Kahapon, naglabas ng pahayag at panawagan si Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento para sa publiko. Binalaan niya ang madla sa mabagal na daloy ng trapiko, lalo't higit sa mga lansangang patungo sa pagdarausan ng mga pagpupulong.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>