Ipininid kahapon sa Manila, Pilipinas ang ika-27 Ministerial Meeting ng APEC. Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas pagkaraan ng pulong, ipinahayag nito ang pag-asang mapapasigla ang kabuhayang panrehiyon sa pamamagitan ng rehiyonal na integrasyon, pinalawak na pakikisangkot ng mga katam-tamang laki at maliit na bahay-kalakal sa pamilihan, paglaki ng pamumuhunan sa human resources, at iba pa.
Suportado rin ng mga kalahok ang pagtatatag ng "APEC Tertiary Industry Cooperation Framework" at "APEC Quality Growth Strategy."