Idinaos Enero 11, 2016 sa Islamabad, Paksitan ang closed-door negotiation sa pagitan ng Paksitan, Afghanistan, Tsina at Amerika.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Sartaj Aziz, Foreign Affairs Adviser ng Pakistan at Puno ng delegasyong Pakistani, na bilang kauna-unahang round ng talastasan ng nasabing apat na panig hinggil sa isyu ng Afghanistan, hangad nitong mapasulong ang rekonsilyasyon sa pagitan ng pamahalaang Afghani at Taliban, at isagawa ang prosesong pangkayapaan ng Afganistan. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng bansa, at hindi dapat ilagay ang anumang paunang kondisyon.