Kabul, Afghanistan-Sa magkasanib na pahayag na ipinalabas Enero 18, 2016 pagkatapos ng ikalawang round ng talastasan sa pagitan ng Afghanistan, Pakistan, Tsina at Amerika bilang tugon sa isyu ng Afghanistan, hinimok ng mga nasabing bansa ang Taliban na makipagdiyalogo sa pamahalaang Afghani, sa lalo madaling panahon, para mapayapang malutas ang alitang pampulitika sa naturang bansa.
Ayon pa sa pahayag, tinalakay ng nasabing apat na panig ang road map hinggil sa talastasan sa pagitan ng pamahalaang Afghani at Taliban. Ito ay para balangkasin ang mga kongkretong hakbang, batay sa prinsipyong "Pamumuno at Pagtatamasa ng mga Afghani" para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng bansa at rehiyon.