Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

5th CICA Foreign Ministers' Meeting: paglaban sa terorismo

(GMT+08:00) 2016-04-14 12:01:29       CRI

Nakatakdang idaos sa Beiijing ang panlimang regular na pagtitipon ng mga Ministrong Panlabas mula sa CICA, Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia, mula Abril 27-28, 2016.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 13, 2016 ni Ginoong Gui Congyou, namamahalang tauhan ng Departamento ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Europa-Asya, na ang tema ng nasabing pulong ay: "Pagpapasulong ng Seguridad sa Diyalogo." Aniya, magpapalitan ang mga kalahok ng kuru-kuro hinggil sa kasalukuyang kalagayang panseguridad at pangkaunlaran ng Asya, paglaban sa terorismo, pagpapasulong ng sibilisasyon at diyalogo, at iba pa.

Aniya, iniharap ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina ang "Panlahat, Komprehensibo, Pangkooperasyon, at Sustenableng Ideyang Panseguridad ng Asya" sa CICA Shanghai Summit, noong Mayo, 2014.

Sa kasalukuyan, bilang isang multilateral na porum na panseguridad, binubuo ang CICA ng 26 kasaping bansang kinabibilangan ng Tsina, at mga kasaping tagamasid mula sa 12 bansa't organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng Pilipinas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>