Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, patuloy na uunlad

(GMT+08:00) 2016-05-03 09:19:34       CRI

SINABI ni Economic Planning Secretary Dr. Emmanuel Esguerra na magpapatuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas lalo pa't inaasahang matatamo ang 6.2% growth sa susunod na taon.

Sa kanyang talumpati sa Second Mindanao Shipping Conference sa Davao City, sinabi ni Secretary Esguerra na naniniwala ang pribadong sektor na ang real GDP growth ay magmumula sa 5.8 hanggang 6.3% sa susunod na taon.

Magaganap ito sapagkat nagkaroon ng malaking investments sa infrastructure sa paglalabs ng salapi ng halos makaikatlong ulit. Ang investments ay sa larangan ng transportasyon na umaabot sa 43% ng buong infrastructure investments mula 2013 hanggang 2016. Nagkakahalaga ito ng may P 7 trilyon.

Makakasama pa ang private investments na nagkakahalaga ng P 1.5 trilyon ayon sa katayuan ng Public-Private Partnerships hanggang ngayong Abril ng 2016.

Makatitiyak na magiging maganda ang koneksyon ng investments sa budgeting sa ilalin ng Three-year Infrastrucutre Rolling Program (TRIP).

Kasama sa isasaayos ang mga daungan sa Mindanao, ang pagkakaroon ng container yeard para sa containerized cargo at passenger terminal building. Kailangan ding mabawasan ang domestic cargo rates sapagkat mas mahal ang singil sa Mindanao kung ihahambing sa foreign cargo rates.

Ang Mindanao ay mahalaga sapagkat ito ang ginagamit para sa Zamboanga-Sandakan (Malaysia), Davao-General Santos-Bitung-Manado (Indonesia) at Zamboanga – Muara sa Brunei at Tawi-Tawi-Tarakan sa Indonesia.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>