Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

May 29,000 katao ang tumanggap ng ayuda

(GMT+08:00) 2016-05-03 09:19:19       CRI

NAMAHAGI na ang International Committee of the Red Cross ng pagkain sa may 29,000 kataong apektado ng El Nino sa dalawang bayan sa North Cotabato sa Central Mindanao.

Ayon sa ICRC, bukod sa matinding dagok ng mga armadong sagupaan sa pook, libong mga magsasaka ang nakararanas ng masidhing tagtuyot sa pagkatuyo ng mga sakahan.

Napakaliit ng kinita ng mga magsasaka mula sa North Cotabato samantalang ang iba ay walang inani sa pagkamatay ng kanilang mga pananim.

Ayon kay Dominic Earnshaw, pinuno ng ICRC sa Cotabato City, hirapan ang mga mamamayang makabawi sapagkat na sa malalayong pook ang kanilang mga tahanan at sakahan.

Sa pagbibigay ng pagkain sa mga apektadong pamilya, nais ng ICRC na matipid ng mga magsasaka ang kanilang mga butyl at binhi para sa darating napanahon ng pagtatanim.

Sinimulan noong Martes at magtatapos bukas ang pamamahagi ng ICRC at Philippine Red Cross sa mga pamilya ng mga maralitang magsasaka sa 15 malalayong barangay sa President Roxas at Magpet sa North Cotabato.

Ayon kay Isaias Buned, barangay chairman ng Sundungan sa President Roxas, nakaranas na sila ng tagtuyot subalit ang nagaganap ngayon ang pinakamatindi sapagkat apektado na ang kanilang kabuhayan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>