Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabago ng Saligang Batas, hindi makatutulong sa mahihirap

(GMT+08:00) 2016-07-07 18:33:00       CRI

NANINDIGAN si Kabayan Party List Congressman Harry Roque na walang mapakikinabangan ang mga mahihirap sa pagbabago ng Saligang Batas tulad ng sinasabi ng mga malalapit sa administrasyon.

Naunang binanggit ng napipintong Speaker Pantaleon Alvarez na makatutugon ang pagbabago sa Saligang Batas sa pangangailangan ng mahihirap.

Nararapat lamang na pakinabangan ng mga mamamayan ang yaman ng pamahalaan kahit ano pang uri ng pamahalaan. Ipinaliwanag ni Congressman Roque na kung ang problema ay katiwalian, ipagsumbong ang mga tiwali at sipain mula sa pamahalaan.

Sa ilalim ng panukalang pederalismo, tanging tatlong rehiyon ang mabubuhay ng maayos, ang National Capital Region, Region IV-A o CALABARZON at ang Region III na kilala sa pangalang Central Luzon. Sa ganitong situasyon, kailangang tustusan ng mga mauunlad na rehiyon ang mahihirap na bahagi ng bansa.

Sa panig ni Albay Congressman Jose Sarte Salceda, ang pagbubukas ng Saligang Batas sa pagbabago ang magdudulot ng panibagong sistema na kilala sa pangalang pederalismo na tutugon sa mga problemang pinagmumulan ng Muslim at New People's Army insurgencies.

Sa pagkakaroon ng mga pag-aaklas sa kanayunan at katiwalian, walang pumapasok na foreign direct investments at maging mga kalakal tungo sa iba't ibang rehiyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>