|
||||||||
|
||
MAY limang antas ng kalakal ng illegal drugs sa Pilipinas at depende ito sa kakayahan ng drug pusher na makapagbenta nito sa kanyang nasasakupan.
Ito ang sinabi ni Solicitor General Jose Calida sa isang press briefing kagabi. Ang "level five" ang pinakamataas sa sindikato.
Isang Wu Tuan na may alias na "Peter Co" na nasa loob ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa ang nangangasiwa sa Luzon triad na kinabibilangan ng Metro Manila. Siya umano ang pinuno ng Bilibid 19 Gang.
Ang isang pang level five drug lord ay isang nagngangalang Peter Lim na kilala rinsa pangalang "Jaguar" na nagangasiwa sa Visayas triad. Iba ang taong ito sa isang "Jaguar" na napatay sa isang operasyon sa Las Pinas City.
Sinabi pa ni G. Calida na ang dating heneral na si Marcelo Garbo ang "associate" at "protector" ng top level ng triad hierarchy.
Si Garbo ang isa sa limang mga heneral ng pulisya na pinangalanan ni Pangulong Duterte noong Martes na nagkakanlong ng mga sindikato ng droga sa bansa.
Ang retiradong heneral at dating PNP Deputy Chief for Operations at dating Regional Director ng PNP Region VII sa Cebu City ay kabilang sa PMA Class 1981.
Binanggit din ni Solicitor General Calida ang sinabi ni Pangulong Duterte sa pagkakasangkot ng general sa drug trafficking sa bansa.
Pinangalanan din si Herbert Colangco alias Ampang na nasa piitan din na isa sa sangkot sa mga kidnap for ransom activities at bank robberies. Si Colangco ay isang drug lord na kaalyado ng Parojinog drug syndicate Kuratong Baleleng.
Ang mga mas mababang kabilang sa triad ay kinabibilangan ng mga Tsino, iba pang mga opisyal ng PNP, Bureau of Jail Management and Penology at mga halal ng bayang opisyal. Kikilalanin ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga taong nasa likod ng mga sindikato sa mga susunod na press conference.
Magugunitang iniutos ni Pangulong Duterte ang pag-aalis sa tatlong opisyal na diumano'y sangkot sa illegal drug trade na kinabibilangan nina NCR Police Office Director Joel Pagdilao, Western Visayas regional director Bernardo Diaz at Quezon City Police District Director Chief Supt. Edgardo Tinio.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang dating police general na si Vicente Loot ay isa nang alkalde sa Daanbantayan, Cebu na diumano'y sangkot sa illicit narcotics trade.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |