|
||||||||
|
||
PORMAL na ipinagsumbong ng technical malversation at usurpation of legislative powers sa kanilang papel sa ilegal na Disbursement Acceleration Program o DAP sina dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Budget Secretary Florencio Abad.
Sa gitna ng sama ng panahon, magkakasama sina Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez, Bayan Muna Congressman Carlos Zarate at Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes sa pagdadala ng reklamo sa Ombudsman sa Quezon City.
Ang DAP ang siyang kalipunan ng mga salaping hindi ginastos na deklaradong labag sa batas ng Korte Suprema.
Ang DAP, ayon sa mga nagmamatyag ang pork barrel ni Pangulong Aquino. Ang legislative pork na kilala sa pangalang Priority Development Assistance Fund ay pinawalang saysay ng Korte Suprema.
Ani Chairman Jimenez, isa sa mga nagreklamo, sina G. Aquino at Abad ang nararapat panagutin sa usaping technical malversatoin sa paglilipat ng pondo ng DAP tungo sa mga paboritong mga proyekto ng pangulo.
Pinakaialaman umano nina G. Aquino at G. Abad ang poder ng pagbabahagi-bahagi ng salaping nasa poder ng Kongreso.
Sa panig ni Congressman Zarate, nararapat kasuhan ang dalawa ng graft and corrupt practice dahil sa paglalaan ng pondo sa presidential pork barrel mula sa puwersahang pagtitipid ng mga ahensya sa kani-kanilang mga proyekto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |