Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ten-Point Agenda, sinuri, pinuri at pinuna

(GMT+08:00) 2016-07-25 19:09:01       CRI

IBA'T IBANG reaksyon ang nakamtan mula sa mga panauhin sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Ipinagpasalamat ni Arsobispo Oscar V. Cruz ang pagsasama ng tunay na repormang agraryo at ibayong pagpapasigla ng sektor ng pagsasaka. Maganda umano ang mga hakbang na ito sapagkat madaragdagan ang kita ng mga nasa kanayunan.

Ipinaliwanag naman ni Rose Guzman, Senior Researcher ng Ibon Foundation na walang ipinagbago ang ten-point economic agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sapagkat ipagpapatuloy pa rin ang kanyang nakagawiang economic agenda ng mga nakalipas na pamahalaan mula noong dekada otsenta na mula sa World Bank at International Monetary Fund.

Kabilang din ang pagpapalawak ng Public Private Partnership na kabibilangan ng malalaking proyekto na magmumula rin sa buwis ng taongbayan. Ang masaklap pa nito, ayon kay Bb. Guzman ay ang pagtustos ng pamahalaan sa pangungutang ng mga mangangalakal.

Sinabi naman ni Fr. Benny Tuazon na isang agricultural engineer bago naging pari na marapat lamang ang pagtalikod ni Pangulong Duterte sa nilagdaang kasunduan hinggil sa climate change sa Paris noong nakalipas na Disyembre sapagkat kakatiting naman ang naiaambag ng Pilipinas sa pagbabago ng klima. Tanging ang malalaking bansa ang nagbubuga ng masasamang usok.

Napapanahon ding subukan ang likas na yaman ng bansa sa paggamit ng renewable energy.

Sa panig naman ni dating Defense Undersecretary Antonio Santos, hindi mawawala ang mga Americanong opisyal na dadalaw sa Pilipinas sa mga susunod na araw sapagkat mahalaga ang Pilipinas sa larangan ng politika sa daigdig.

Malaki rin ang posibilidad na dumalaw ang mga opisyal ng Tsina sa mga susunod na buwan.

Isang dating opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sinabi ni Undersecretary Santos na kailangang mabalanse ni Pangulong Dutere ang pakikipag-kaibigan sa Estados Unidos at maging sa Tsina, ang dalawang nangungunang malalakas na bansa sa daigdig. Kailangang magkaroon ng magandang relasyon sa dalawang bansa sapagkat hindi kailanman nararapat mapagitna sa 'di pagkakaunawaan ng dalawang bansa.

Ayon naman kay Prof. Rene Ofreneo ng School of Labor and Industrial Relations, marapat lamang suriin ang iba't ibang paraan ng pagsasailaim ng mga manggagawa sa larangan ng kontraktuwalisasyon sapagkat mayroong mga kumpanyang gumagamit ng mga kawani sa ilalim ng katagang apprenticeship bukod sa tigli-limang buwang kontrata ng mga malalaking kumpanya.

Idinagdag pa ni Dr. Ofreneo, tanging 1/3 lamang ng mga manggagawa ang saklaw ng mga kontrata samantalang 2/3 naman ang nasa informal sector.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>