|
||||||||
|
||
Mula ika-4 hanggang ika-5 ng darating na Setyembre, gaganapin sa Hangzhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina, ang Ika-11 G20 Summit. Ito ang kauna-unahang pagkakataong itinaguyod ng Tsina ang naturang summit. Sa harap ng masalimuot na pandaigdigang situwasyon ng paglaban sa terorismo at hamong pandaigdig, isinagawa ng Tsina ang maraming hakbangin para maigarantiya ang seguridad ng gaganaping summit.
Ang gawain ng garantiyang panseguridad ay palagiang pinakamahalagang tungkulin sa mga malalaking aktibidad. Sa panahon ng mga mahalagang pandaigdigang pulong at malaking pandaigdigang aktibidad, pawang isinagawa ng mga bansang gaya ng Amerika, Timog Korea, Pransya, Britanya, Singapore, at Rusya, ang mga espesyal na hakbanging kinabibilangan ng pagtaas ng alert level, pagbibigay-limitasyon sa vehicle flow, mahigpit na pagsisiyasat sa mga tauhang pumapasok sa bansa, at pagpapalakas ng security check. Ang layon ng mga ito ay mabisang maigarantiya ang maalwang pagdaraos ng pulong. Sa idaraos na Hangzhou G20 Summit, kinakaharap din ng lunsod na ito ang napakalaking hamon mula garantiyang panseguridad.
Bilang tugon, isinasagawa ng Hangzhou ang hakbangin ng garantiyang panseguridad sa pinakamataas na lebel para sa G20 Summit. Halimbawa, ginamit ng naturang summit ang face recognition technology para mapalakas ang proteksyong panseguridad sa mga mahahalagang lugar. Samantala, pinalakas ng may-kinalamang departamento ang real-name system na nakikitang pangunahin na, sa aspekto ng otel, internet, at iba pa. Bukod dito, upang mabisang harapin ang mga posibleng mangyayaring biglaang insidente, binuo ng Hangzhou ang mga patrol team.
Di-mapapabulaanang ang naturang mga mahigpit na hakbangin ay magdudulot ng di-kaginhawahan sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente ng Hangzhou, ngunit nabigyan ng pag-unawa at pagkatig ng mga mamamayang lokal ang naturang mga hakbangin.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |