Lima — Binuksan nitong Lunes, Nobyembre 14, 2016, ang mga Pulong ng 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Ang tema ng nasabing pulong ay "Paglaki ng Mataas na Kalidad at Pag-unlad ng Sangkatauhan." Malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang mga lider at kinatawan mula sa iba't-ibang economy tungkol sa mga isyung gaya ng integrasyong panrehiyon, malayang sonang pangkalakalan sa Asya-Pasipiko, konektibidad, kooperasyon sa industriyang pangserbisyo, at iba pa.
Kabilang sa nasabing mga pulong ay Pulong ng APEC Business Advisory Council, Pulong Ministeriyal, Summit ng mga Pinunong Industriyal at Komersyal, Di-pormal na Pulong ng mga Lider, at iba pa.
Naitatag ang APEC noong taong 1989 na may 21 miyembro sa kasalukuyan.
Salin: Li Feng