Sa isang ulat na ipinalabas sa Lima nitong Miyerkules, Nobyembre 16, 2016, ng Pacific Economic Cooperation Council (PECC), sinabi nitong dapat maging pangunahing tema ang progreso ng Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP) at "Bogor Goals" sa gaganaping Ika-24 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Bilang isa sa tatlong tagamasid ng APEC, ang PECC ay isang di-pampamahalaang organisasyong pandaigdig na binubuo ng mga pamahalaan, parliament, sirkulong komersyal at industriyal, sirkulong akademiko, media, at mga organisasyong di-pampamahalaan, sa Pacific Basin Societies.
Ayon sa nasabing ulat, ang pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig at pag-aalma sa trade protectionism ay nagiging pangunahing hamon sa paglaki ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Dapat anitong maging pokus sa nasabing APEC Summit na bibigyang-pansin ng mga kasapi ng APEC ang progreso ng FTAAP at "Bogor Goals," estratehiya ng pag-unlad ng APEC, reporma sa estruktura, pagharap sa tunguhin ng anti-globalization, at pagpapabuti ng kalagayan ng konektibidad sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng