Idinaraos ngayon sa Lima, Peru, ang serye ng mga pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Dadalo rin si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-24 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng APEC, na gagawin sa ika-19 at ika-20 ng buwang ito.
Kaugnay nito, nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag ni Juan Carlos Capuñay, Embahador ng Peru sa Tsina, na sa ilalim ng temang "Quality Growth and Human Development," makakatulong ang kasalukuyang mga pulong ng APEC sa pagpapalawak ng saklaw ng kaunlarang panlipunan sa ilalim ng globalisasyon.
Umaasa rin ang Ginoong Embahador, na daragdagan ng Peru at Tsina ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang aspekto, para pasulungin ang pagsasakatuparan ng mga bunga ng naturang mga pulong ng APEC.
Salin: Liu Kai