Nakipagtagpo, kahapon, Huwebes, ika-22 ng Disyembre 2016, sa Hanoi, Biyetnam, si Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), kay Li Qibao, Puno ng Publicity Department ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Si Liu ay lalahok sa ika-12 seminar hinggil sa teorya ng naturang dalawang partido, na gaganapin sa Hanoi.
Sinang-ayunan ng dalawang opisyal na palalalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng CPV at CPC. Ipinahayag din nila ang kahandaan upang magkasamang patatagin at paunlarin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, at komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai