Sa kanilang paglahok sa G7 Summit sa Taormina, Italya, ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-26 ng Mayo 2017, ng mga lider ng Amerika, Alemanya, Britanya, Pransya, Italya, Kanada, at Hapon, ang magkakasanib na pahayag hinggil sa buong higpit na paglaban sa terorismo.
Ipinangako ng naturang mga lider, na ibayo pang palakasin ang paglaban sa mga teroristikong aksyon. Buong lakas anilang pipigilin, iimbestigahan, at isasakdal ng kani-kanilang bansa ang mga terorista at tagasuporta nila.
Ipinangako rin ng mga lider, na labanan ang cyber terrorism. Isasagawa anila ang mga hakbangin, para kontrolin ang pagpunta ng mga armadong tauhan mula sa mga nagsasagupaang lugar sa ibang lugar, at putulin ang pinanggagalingan at tsanel ng mga pondo para sa mga teroristikong aksyon.
Salin: Liu Kai