Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tastes of the Philippines sa Garden Hotel Guangzhou

(GMT+08:00) 2017-06-13 18:39:39       CRI

Si Chef Justin Sison

Si Chef Justin Sison (kanan), habang kinakapanayam ni Mac Ramos ng CRI

Hanap hanap 'nyo ba ang lasa ng pagkaing Pinoy? Kung nasa Guangzhou pwedeng matikman ang piling mga lutuin salamat sa Tastes of the Philippines buffet sa Carousel restaurant ng Garden Hotel.

Lumipad mula sa Pilipinas walang iba kundi si Chef Justin Sison.

First time na lumahok ni Chef Justin sa isang major international culinary event, at ito rin ang unang beses na nakarating siya sa Tsina. Aniya, "Napakalaking responsibilidad ng event na ito pero tinanggap ko siya dahil marami akong matututunan. At marami akong maibabahagi sa China tungkol sa ating pagkain at kultura. Magandang pakiramdam na magawa ito para sa ating bansa."

Buko Pandan

Adobo Mini Burger

Banana and Langka Turon

Sa buffet ng reception ng kunsulado nitong Hunyo 12, 2017 isinaisip niyang pika-pika ang dapat niyang ihain. Kaya ang nakagawiang embotido ay naging embotido medallion. Kwento ni Chef Justin "Para kakaiba, yung sauce ng embotido ay pasas na niluto ko sa chicken stock saka inihalo sa ketchup."

Ilan sa iba pa niyang ibinibidang pagkain ay kinilaw na may calamansi at bagoong, inasal skewers, langka turon, buko pandan, arroz caldo, adobo burger at pancit canton.

Si Chef Justin (4th L) kasama ang mga hotel staff, opisyal ng konsulado at kaibigang Pinoy

Si Chef Justin (kanan) kasama sina Chef Robert (gitna) at Assistant Chef Patrick (kaliwa)

Ang pancit canton ay isang pagkaing pinili ng kunsulado para itampok dahil sumisimbolo ito sa mahabang kasaysayan at ugnayan ng Pilipinas at Tsina. Dagdag ni Chef Justin pagdating sa pagluluto maraming itinuro ang mga Tsino sa mga Pinoy noong sinaunag panahon. Kabilang dito ang pag-steam, pag-ihaw at pag-gisa.

Ang food festival ay bahagi ng pagdiriwang ng Ika 119 na Anibersaryo ng Pagproproklama ng Kalayaan ng Pilipinas at itinataguyod ng Philippine Consulate General sa Guangzhou.

Ulat : Mac Ramos
Larawan : Wang Le, Dominic Dalida

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>