Sinabi ngayong araw, Lunes, ika-28 ng Enero 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtatanghal ng grupong pansining ng Hilagang Korea nitong Linggo sa Beijing ay para ipatupad ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalakas ng pagpapalitang pangkultura. Ito rin aniya ay isa sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at H.Korea.
Kinatagpo sa Beijing nitong Linggo, Enero 27 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang asawa na si Peng Liyuan, si Ri Su Yong, mataas na opisyal ng Hilagang Korea. Pinanood din ng mag-asawa ang palabas ng grupong pansining ng Hilagang Korea.
Salin: Liu Kai