Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahigit 400 milyong Tsino, naglakbay sa bakasyon ng Chinese New Year

(GMT+08:00) 2019-02-07 15:06:35       CRI

Nitong ilang taong nakalipas, ang paglalakbay sa loob at labas ng bansa ay nagsisilbing isa sa mga pangunahing pagpili ng mga mamamayang Tsino upang paglipasin ang bakasyon ng Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino.

Ayon sa datos ng Ctrip, kilalang travel services provider ng Tsina, sa Chinese New Year sa taong ito, tinatayang aabot sa 400 milyong Tsino ang maglalakbay. Kabilang dito, pitong milyong galing sa mahigit 100 siyudad ng Tsina ang pumupunta sa 900 travel destination sa ibayong dagat.

Ang pagtitipun-tipon ng pamilya ay esensya ng Chinese New Year. Kaya, kadalasan, bilang pagdiriwang sa kapistahan, ang buong pamilya ay sama-samang naglalakbay. Sinabi ni Wang Jingwen, isang mamamayang Tsino na nakahandang maglakbay kasama ng pamilya na "saanman nagpapalipas ng Chinese New Year, enjoy na enjoy ko ang kaligayahang dulot ng pagkapiling ng buong pamilya.

Kaugnay ng pagliliwaliw sa loob ng bansa, ang Sanya, lunsod na may tanawing tropikal; Dali at Lijiang, mga siyudad sa Yunnan na may kaayang-ayang temperatura ay mga pangunahing pinupuntahan ng mga mamamayang Tsino. Mayroon din mga Tsino na mas gustong pumunta sa mga malamig na lugar na gaya ng Harbin, siyudad sa lalawigang Helongjiang sa dulong hilaga ng bansa para maranasan ang niyebe at yelo roon.

Tungkol naman sa biyahe sa ibayong dagat, ang mga bansa ng Timog-silangang Asya na gaya ng Pilipinas at Thailand ay laging naitatala sa pinakapinipili. Siyempre, maydoon ding mga Tsino na pumupunta sa Europa, Amerika at Australia.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>