|
||||||||
|
||
Nitong Miyerkules, Pebrero 6, ikalawang araw ng Chinese New Year, pinasinayaan sa University of the Philippines (UP) Diliman ang tatlong araw na selebrasyon ng pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino.
Sa pasinaya, binati ni Michael Lim Tan, Chancellor ng UP Diliman ang mga panauhin at estudyante ng maligayang Chinese New Year sa wikang Filipino, Tsino, Hokkien at Ingles. Ani Tan, bunga ng daan-daang pagpapalitan ng mga Pilipino at Tsino, ang mga elementong Tsino ay nakakaimpluwensya sa kaugalian at pagkaing Pilipino. Hinimok din niya ang mga mag-aaral ng UP na magbukas ng isip para makilala ang iba't ibang kultura.
Ang selebrasyon na may temang One Belt, One Road, One Heritage, ay nasa pagtataguyod ng UP Diliman Confucius Institute. Ayon naman kay Lourdes T. Nepomuceno, Direktor ng UP Diliman Confucius Institute na ang pagdiriwang ay nagtatampok ng Tai Chi, sayaw ng dragon at leon, awitin, sayaw, paggawa ng dumpling, pagpipinta ng maskara ng Peking Opera, kaligrapiya, tea ceremony, at paggupit ng papel. Kasabay nito, mayroon ding mga lektura hinggil sa tradisyonal na medisina Tsino at Pilipino, kaligrapiya ng Tsina at Pilipinas, at paggawa ng parol ng Tsina at Pilipinas.
Ito ang ika-apat na taunang selebrasyon ng Chinese New Year ng UP Diliman Confucius Institute.
Ang Confucius Institute sa UP Diliman na magkasamang itinatag ng UP at Xiamen University noong 2015 ay ika-apat na Confucius Institute sa Pilipinas. Nauna rito, itinatag ang mga Confucius Institute sa Ateneo De Manila University, Angeles University Foundation, at Bulacan State University.
Huang Jiajia (sa dulong kaliwa), Co-Direktor ng UP Diliman Confucius Institute; Lourdes T. Nepomuceno (ika-2 sa kaliwa), Direktor ng UP Diliman Confucius Institute; Michael Lim Tan (ika-3 sa kaliwa), Chancellor ng UP Diliman; at asawa ni Huang Jiajia
Mga hangarin ng mga estudyante sa Chinese New Year
Tea Ceremony
Ulat/Larawan: Sissi
Salin:Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |