Sa kanyang pagdalo kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Henan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kasunod ng pagtatrabaho sa kalunsuran ng parami nang paraming mga rural migrant worker, lumalaki ang bilang ng kani-kanilang mga kamag-anakang nananatili sa kanayunan.
Hiniling ni Xi, na palakasin ang social security at welfare system sa naturang mga tao, lalung-lalo na sa mga matatanda at bata, para magkaroon sila ng maligayang pamumuhay.
Salin: Liu Kai