Sa kanyang pagdalo kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Henan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pasiglahin ang pamumuhunan ng pribadong sektor sa kanayunan, lalung-lalo na sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, na gaya ng transportasyon, patubig, pasilidad ng tubig-inumin, lohistika, at telekomunikasyon. Ito aniya ay makakatulong sa pagpapaunlad ng kanayunan.
Salin: Liu Kai