Sa kanyang pagdalo kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Henan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat hikayatin ang mas maraming talento sa kanayunan para pasulungin ang modernong agrikultura.
Ani Xi, marami pa ang pagkakataon para sa pag-unlad ng modernong agrikultura sa Tsina, at lipos ng pag-asa ang kanayunan ng bansa.