Sa kanyang pagdalo kahapon, Biyernes, ika-8 ng Marso 2019, sa Beijing, sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Henan sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat puspusang pasulungin ang 3-taong aksyon ng pagpapabuti ng kapaligirang panirahan sa kanayunan, na sinimulan noong isang taon.
Dagdag ni Xi, ang pagbibigay-priyoridad sa ekolohiya at berdeng pag-unlad ay mahalaga para sa pagpapaunlad ng kanayunan ng Tsina.
Salin: Liu Kai