|
||||||||
|
||
Ang pagsusuri at pagboto sa Panukalang Batas sa Pamumuhunang Dayuhan ng Tsina ay isa sa mga mahalagang agenda ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. May pinag-isang regulasyon ang nasabing panukalang batas hinggil sa pagpasok, pagpapasulong, pangangalaga at pangangasiwa sa pamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan.
Nang mataimtim na suriin ang nasabing panukalang batas, ipinalalagay ng mga deputado ng NPC na ang pagtatakda at pagsasagawa ng Batas sa Pamumuhunang Dayuhan ay magkakaloob ng mas mabisang legalisadong garantiya para sa pagpapasulong sa bagong round ng pagbubukas sa mataas na antas. Anila, nagpapakita rin ito ng kompiyansa at determinasyon ng Tsina sa pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad, sa pamamagitan ng pagbubukas sa mataas na antas.
Sa tingin ng mga deputado, kumpara sa umiiral na tatlong batas hinggil sa puhunang dayuhan, na kinabibilangan ng Batas sa Sino-Foreign Equity Joint Ventures, Batas sa mga Bahay-kalakal na May Puhunang Dayuhan, at Batas sa Chinese-Foreign Contractual Joint Ventures, ang nasabing panukalang batas ay mas nakapokus sa pagpapalawak ng pagbubukas at pagpapasulong sa pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal, bagay na nagpapakita ng pagkakahalu-halo ng katangiang Tsino at mga regulasyong pandaigdig.
Ipinahayag ni Zheng Shuna, Pirmihang Kagawad ng NPC at Kagawad ng Komisyon ng Konstitusyon at Batas ng NPC, na ang aktibong pag-akit at paggamit ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal ay mahalagang nilalaman ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas, at pagtatatag ng bagong sistema ng bukas na kabuhayan. Sa prosesong ito, dapat may kompletong legalisadong garantiya, dagdag niya.
Ipinalalagay naman ni Li Biao, Board Chairman ng Haite Group, na ang pagpapalabas ng nasabing panukalang batas ay magbubunsod ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran para sa gawing gitna at kanluran ng Tsina.
Ayon sa iskedyul ng kasalukuyang sesyon, ang naturang panukalang batas ay pagbobotohan ng mga kalahok na deputado ng NPC sa ika-15 ng Marso.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |