Pagkaraang maganap kahapon, Huwebes, ika-21 ng Marso 2019, ang pagsabog sa isang chemical industrial park sa lalawigang Jiangsu sa silangang Tsina, inutos ni Pangulong Xi Jinping na buong lakas na isagawa ang rescue work, iligtas ang mga nastranded na tauhan, at bigyang-lunas ang mga nasugatan.
Hiniling din ni Xi, na kontrolin ang polusyon sa kapaligiran na dulot ng pagsabog, at lubos na imbestigahan ang sanhi ng aksidente.
Hanggang sa kasalukuyan, 47 katao ang nasawi sa naturang aksidente, at 90 iba pa ang labis na nasugatan.
Binuo na ng Konseho ng Estado ng Tsina ang working group, para isagawa ang imbestigasyon sa aksidente.
Salin: Liu Kai