Sa magasing Qiushi o "Seeking Truth" na ilalathala bukas, Martes, ika-16 ng Abril 2019, ilalabas ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pananawagan sa mga manunulat, alagad ng sining at mananaliksik sa pilosopiya't agham na panlipunan, na palakasin ang kompiyansang pangkultura at paglingkuran ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mahuhusay na akda.
Sa naturang artikulong may pamagat na "A Country, or A Nation, Cannot Be Devoid of Soul," tinawag ni Xi ang mahuhusay na akda sa sektor ng kultura, sining, pilosopiya, at agham na panlipunan, bilang kaluluwang ng bansa at nasyon. Ini-enkorahe niya ang mga tauhan sa naturang mga sektor na pag-ibayuhin ang pagsisikap at gawin ang mahuhusay na akda, bilang ambag sa bansa at mga mamamayan.
Salin: Liu Kai