Mula ika-15 hanggang ika-17 ng Abril, 2019, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Munisipalidad ng Chongqing sa timog kanlurang bahagi ng bansa.
Bumisita si Xi sa ilang mahirap na pamilya sa liblib na kabundukan ng Chongqing. Sinabi niyang, pagkaraang malutas ang isyu ng pagkain at pananamit, dapat ding bigyang-pansin ang kanilang saligang pangangailangan sa edukasyon, serbisyong medikal, at pabahay.
Nagpatawag din ng pulong si Xi hinggil sa pagpawi ng karalitaan, na nilahukan ng mga opisyal mula sa Chongqing, mga lalawigang Sichuan, Guizhou, Yunnan, at Rehiyong Awtonomo ng Guangxi. Sinabi niyang, ang taong ito at susunod na taon ay masusing panahon para sa gawain ng pagpawi sa karalitaan. Nanawagan siya sa iba't ibang lugar at iba't ibang departamento, na pag-ibayuhin ang pagsisikap, para isakatuparan ang target ng pagpawi sa karalitaan sa taong 2020, at pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas.
Salin: Liu Kai